Legislated wage hike giit ng Q.C. dad sa kongreso
October 8, 2000 | 12:00am
Dulot nang naganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pasahe at serbisyo sanhi ng pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo, giniit ni Quezon City Councilor Pinggoy Lagumbay sa Kongreso na magpatupad ito ng isang legislated wage increase sa mga manggagawa na may mababang sahod.
Sa resolusyon na isinampa ni Lagumbay sa Quezon City Council, diniin nito na kailangang magkaroon ng isang tama at sapat na legislated wage increase para masustinihan ng mga manggagawa ang tumaas na halaga ng mga bilihin.
Parami na ng paraming bilang ng mga maliliit na manggagawa na may mababang suweldo ang hindi na makayanang maibigay ang sapat na pangangailangan ng miyembro ng pamilya at kung aaksiyonan lamang ng Kongreso ang pagkakaloob ng suitable wage increase, ay malaking kagaanan ito sa kanilang gastusin, ani Lagumbay. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended