Utol ni Francis Magalona ginulpi ng taumbayan
October 6, 2000 | 12:00am
Isang kapatid ng Eat Bulaga host at actor/rapper na si Francis Magalona ang inaresto matapos umano nitong tangkaing pasukin ang bahay ng isang bakla hanggang sa bugbugin ng taumbayan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ni Supt. Benjardi Mantele, CPD-station chief, ang inaresto na si Martin Magalona, 28, ng #61 Kalayaan st., Kawilihan, Bgy. Kapitolyo, Pasig City.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:45 ng madaling araw kahapon ng magpumilit umano ang kapatid ng aktor na pasukin ang bahay ni Allan Rodriguez, 25, bakla, ng #79 K 2nd St., Kamuning, QC.
Naalerto naman ang kasambahay ng bakla nang magsimula umanong kumalabog ang kanilang pintuan at makitang nagpupumilit buksan ito ng suspek kaya sumigaw ang mga ito at humingi ng saklolo.
Tumakbo naman palayo ng bahay ang kapatid ng actor-rapper subalit sinalubong naman siya ng taumbayan sa pag-aakalang masamang-loob ito at saka siya binugbog.
Napag-alaman na sinampahan ng kaso ng bakla si Magalona dahil sa pagtangay umano nito ng halagang P36,000 sa biktima noong September 5 kaya binalak na komprontahin ito ng suspek dahil sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.
Bukod sa kasong theft, nakatakda ring sampahan ng kasong trespassing ang suspek na dinala sa CPD-station 10 na bugbog sarado. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended