^

Metro

Estudyante todas sa ligaw na bala

-
Isang 18-anyos na estudyante ang aksidenteng nabaril ng isa sa kanyang ka-barangay kung saan ang nasabing bala ay para sa kaaway ng huli, kamakalawa ng gabi sa Taguig.

Dead-on-arrival sa Rizal Medical Center ang biktima na nakilalang si Joel Lamasan, estudyante sa hindi nabanggit na paaralan, nakatira sa Block 19, Lot 3, Purok 3, Bgy. Upper Bicutan ng bayang ito na nagtamo ng tama sa katawan buhat sa kalibre 9mm.

Agad namang naaresto si Theo Chavez alyas Bong, 34, ng Block 17, Lot 5, ng nabanggit na barangay.

Nabatid kay SPO1 Charlie Rillon ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig police, dakong alas-10:30 ng gabi sa nabanggit na barangay ay nagkaroon ng kaaway ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Powie kung saan binato ang bahay nito.

Dahil dito, lumabas ang suspek na may dalang baril upang habulin ang kanyang nasabing kaaway.

Binaril ng suspek ang kanyang kaaway subalit hindi ito tinamaan at sa halip, ang bala ay tumama sa biktima na kasalukuyan namang masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BGY

BINARIL

CHARLIE RILLON

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

JOEL LAMASAN

LORDETH BONILLA

RIZAL MEDICAL CENTER

TAGUIG

THEO CHAVEZ

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with