Bank exec, teller tiklo ni mister sa motel
October 6, 2000 | 12:00am
Halos manlumo ang isang mister ng mahuli sa akto at makunan niya sa video camera ang kanyang misis at umanoy kalaguyo nito sa isang motel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong adultery ang mga suspek na sina Milagros Estanislao, 42, bank teller ng Equitable Bank na ang sangay ay sa Divisoria, at nakatira sa Block 10, Lot 11 George Town Subdivision, Bacoor, Cavite at si George Agabon, 33, may asawa, operation manager naman ng nabanggit na banko at nakatira sa #193 Diamond St., Shadel Homes 1H, ng nasabing bayan.
Samantala, ang nagharap ng reklamo sa Pasay City police ay ang mister ni Milagros na nakilala namang si Erwin Estanislao, 38, empleyado ng Manila City Hall, nakatira sa nabanggit na address.
Ayon kay Erwin, kinukutuban siyang may ibang lalaki ang kanyang misis dahil sa mga kahina-hinalang kilos nito at madalas na pag-uwi ng hatinggabi, kayat nagsagawa siya ng sariling pagsubaybay sa mga ito sa loob ng dalawang linggo.
Kamakalawa ng gabi dakong alas-6 ay inabangan niya ang kanyang misis sa pinagtatrabahuhan nitong banko at sinundan at nakita na may katagpong lalaki sa harapan ng Manila Post Office kung saan kinukunan niya ang mga ito ng video.
Ayon kay mister ipinagpatuloy niya ang pagsunod sa kanyang misis at sa lalaki nito at habang sakay siya ng isang jeep ay patuloy ang pagkuha niya ng video kung saan nasaksihan niya ang pagpasok ng mga ito sa Prince Inn Halina Lodge na nasa panulukan ng F.B. Harrison at Libertad sts., Pasay City.
Nagpasama ang lalaki sa ilang kagawad ng Pasay City police upang pasukin ang loob ng nasabing motel at dito niya nahuli sa aktong nagsisiping ang kanyang misis at kalaguyo nito. Halos mataranta ang magkalaguyo dahil hindi akalain ng ginang na makita siya ng kanyang asawa sa ganoong sitwasyon na naglagay sa kanila sa malaking kahihiyan.
Inaresto ang mga suspek at sinampahan ang mga ito ng kaso.
Napag-alaman na 17 taon nang nagsasama sina Milagros at Erwin.
Ayon sa mister, may hinala siyang may isang taon na siyang niloloko ng kanyang asawa dahil sa madalas nitong pag-uwi ng hatinggabi at nakakarinig na siya ng tsismis hinggil sa mga ito.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am