Nagrambulan sa nawawalang P90: vendor todas
October 5, 2000 | 12:00am
Isang vendor ang nagbuwis ng buhay habang isa pa ang malubha dahil lamang sa halagang P90 na pinag-ugatan ng rambulan ng tatlo-katao, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.
Kinilala ang biktima na si Andy Aligado, 23, mantika vendor, may asawa, ng 17 Unit 309 Katuparan Condominium, Vitas, Tondo, Manila. Nasugatan naman si Domingo Tumangil Jr., 23.
Kaagad ding naaresto ang suspek na si Edmund Serrano, 29, binata, fish vendor ng Bldg. 23, Unit 212 Katuparan, Vitas.
Sa imbestigasyon ng Western Police District (WPD)-Homicide Section, nabatid na naganap ang rambulan dakong ala-una ng madaling-araw sa loob ng Bldg. 23 kung saan ang mga biktima at suspek kabilang na ang walong iba pa ay nag-iinuman nang bigla na lamang mapuna ni Tumangil na nawawalan siya ng P90.
Nagkaroon ng matinding bintangan na nauwi sa madugong rambulan na ikinasawi ng biktima sa pamamagitan ng isang saksak sa tagiliran.
Samantala ay apat sa walo pang kainuman ng mga biktima ang kasalukuyan ngayong iniimbestigahan sa WPD Headquarters na kinilalang sina Rodel Sesaldo, Edmundo, Alfonso at isa pang nakilala lamang sa pangalang Tangil. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended