Pagpasok sa pulitika ni Sharon pinag-iisipan pa
October 5, 2000 | 12:00am
Pinabulaanan kahapon ng kampo ng megastar na si Sharon Cuneta ang napalathala sa ibang pahayagan na tatakbo siyang alkalde ng Pasay City.
Nilinaw ng kampo ni Sharon sa panayam ng mga reporter na wala umano itong sinabi na siya ay tatakbo. Sa libing ng kanyang amang si ex-mayor Pablo Cuneta, humingi ng tawad ang megastar sa ama dahil sa hindi nito pagsunod sa kagustuhan ng ama na pasukin niya ang larangan ng pulitika.
Gayunman, nagpahayag si Sharon na pinag-iisipan niya ng maigi ang pagpasok dito at hindi batid kung anong posisyon at saang lugar nito binabalak kumandidato.
Samantala, hindi naman naligalig ang ilang pulitiko ng lunsod ng Pasay sakaling pumasok nga sa pulitika ang megastar.
Nabatid kay Ding Santos, natalong kandidatong mayor noong nakaraang recall election at muling tatakbong alkalde, naniniwala siya na hindi matutuloy ang planong ito ni Sharon dahil nagdadalang-tao ang aktres/singer at mas uunahin nitong asikasuhin ang pamilya kaysa pagpasok sa pulitika. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest