Pulis ginawang punching bag ng ex-Army at hinete
October 4, 2000 | 12:00am
Hindi umubra ang isang pulis-Maynila makaraang gawing punching bag ng isang dating miyembro ng Philippine Army at kasamahan nitong hinete ng kabayo dahil sa pagtatalo sa naganap na banggaan ng dalawang sasakyan kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Bagaman bugbog-sarado ang biktima na nakilalang si PO3 Juanito Inhinyero, nakatalaga sa Alvarez Police Community Precinct ng Western Police District-Station 3 ay nagawa pa rin niyang makatakbo sa kamay ng mga suspek na sina Retired PA/Sgt. Oscar Polo, 44, may asawa, nakatira sa #173 5th Avenue, Grace Park, Caloocan city at Jockey Ildefonso Belonio.
Sina Polo at Belonio ay pawang kinasuhan ng direct assault, physical injuries at grave threat.
Sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Tayuman at AH Lacson sts., Sta. Cruz.
Nauna rito, isang banggaan ang naganap sa pagitan ng sinasakyan ng mga suspek at isang pampasaherong jeep na minamaneho ng isang Victor Castro Jr.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo hanggang sa dumating ang isang traffic enforcer ng MMDA at nakialam sa naturang banggaan.
Gayunman, pinagmumura umano nina Polo at Belonio ang di-binanggit na traffic enforcer. Humingi ng tulong ang huli sa himpilan ng Alvarez police station na agad namang nirespondehan ni PO3 Inhinyero.
Nang dumating ang naturang pulis ay sinalubong naman umano siya nina Polo at Belonio at agad na pinagmumura hanggang sa pagtulungang gulpihin. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended