Pintor na namumulot ng panggatong binaril, todas

Isang pintor na nagngunguha ng kahoy na panggatong ang binaril at napatay ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng La Mesa Dam watershed kamakalawa sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Ernesto Nabaja, 25, may-asawa at nakatira sa Waterhole A, Barangay Commonwealth, QC bunga ng isang tama sa ulo.

Ayon sa ulat, hanggang ala-1:30 ng hapon ay nagtungo ang biktima kasama ang kanyang kaibigang si Junior Daniela sa La Mesa Dam watershed sa gilid ng Doña Carmen Subdivision at Jordan Park Homes sa Commonwealth, QC upang manguha ng kahoy na panggatong.

Habang nangunguha ng kahoy ng panggatong ang dalawang nabanggit ay biglang may bumaril kay Nabaja sa ulo kaya ang kasama nitong si Daniela ay mabilis ding nagtago.

Pinaiimbestigahan naman ni CPD director Sr. Supt. Rodolfo Tor, ang lahat ng security guard at caretaker malapit sa pinangyarihan ng insidente upang matukoy ang mismong bumaril at nakapatay sa biktima. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments