^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanapin si ‘Mary Grace Piattos’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hanapin si âMary Grace Piattosâ

Kontrobersiya ang pangalang “Mary Grace Piattos­” na nakasulat sa acknowledgement receipt bilang isa sa mga tumanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte noong 2022. Wala ni isa man sa mga tauhan at opisyal ng Office of the Vice President ang nakakakilala kay “Mary Grace Piattos”. Sabi ng mga mambabatas na miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nagkaroon na yata ng amnesia ang mga tauhan ng OVP sapagkat hindi nila alam o kilala si Mary Grace Piattos.

Nagkaroon ng pagdududa ang mga mambabatas sa kakaibang pangalan na nakasulat sa acknowledgement receipt sapagkat kapangalan ng isang restaurant at potato chips. Napansin din na iisa ang style ng pagkakapirma sa mga resibo. Mahigit 1,200 acknow­ledgment receipts na kahina-hinala ang pirma ang isi­numite ng OVP sa COA kaugnay sa P125-milyong con­fidential funds. Ayon pa sa mga mambabatas, karamihan sa mga resibo ay hindi mabasa ang pangalan. Maraming beses ding lumitaw ang pangalan ni Mary Grace Piattos sa acknowledgment receipts. Ayon sa mga mambabatas, maaaring isang tao lamang ang pumirma sa resibo.

Nang tanungin si Vice President Sara Duterte ka­­ugnay sa pangalang Mary Grace Piattos, hindi siya nag­­komento. Hindi pa raw niya nakikita ang mga acknow­ledgment receipts kung saan nakapirma si Piattos. Ayon pa kay Sara, ang mga kinukuwestiyong doku­mento ay hindi dumaan sa kanyang tanggapan. Direkta raw itong isi­nusumite sa Special Disbursement Officer ng OVP na si Gina Acosta. Wala raw siyang alam kung paano ­ang ginawang proseso sa mga doku­mento at isinumite sa Kamara.

Patuloy namang hindi dumadalo ang apat na OVP executives sa kabila na maraming beses na pag-imbita ng Kamara kaya ipinag-utos nang i-cite for contempt at ipinaaaresto. Dumalo naman sa pagdinig si Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Duterte subalit ipina-cite in contempt siya ni Rep. France Castro at iki­nulong sa Batasang Pambansa Complex. Maku­kulong siya hanggang Nobyembre 25.

Hanapin si Mary Grace Piattos para malaman ang buong katotohanan. Pakilusin ng Kamara ang Philippine Statictics Authority para matiyak kung totoong may Mary Grace Piattos o kathang isip lamang. Kapag napatunayang walang ganitong tao, tiyak na ang iba pang nakapirma sa acknowledgment receipts ay pawang katha-katha rin.

Ipagpatuloy ng House Committee on Good Govern­ment and Public Accountability ang paghalukay dito. Hanapin ang katotohanan kay Mary Grace Piattos.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with