^

PSN Palaro

Williams bukas ang pintuan para sa PBA comeback

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Williams bukas ang pintuan para sa PBA comeback
Mikey Williams.
Strong Group Athletics

MANILA, Philippines — Bukas pa rin ang pintu­an ni two-time PBA Finals MVP Filipino-American Mikey Williams sa posibi­lidad na muling maglaro sa Philippine Basketball Association.

Hindi na bago si Williams sa kultura ng Pilipi­nas lalo pa’t may dugo itong Pinoy at ilang taon din na naglaro sa liga sa na­kalipas.

Kaya naman itinuturing ni Williams na ikalawang tahanan ang Pilipinas sa kabila ng American culture na kinalakihan nito.

At hindi malayo na muli itong makapaglaro sa PBA.

Naghihintay lamang ng tamang panahon si Williams.

“Only time can tell,” ani Williams sa isang ulat.

Nasilayan sa aksiyon si Williams kasama ang TNT Tropang Giga.

Bahagi ito ng Tropang Giga na nagkampeon no­ong 2021 All-Filipino Confe­rence at 2023 Governors’ Cup.

Sa parehong kumperensiya, itinanghal na Finals MVP si Williams.

Kasalukuyang nasa bansa si Williams dahil ba­hagi ito ng Strong Group Athletics na sasabak sa 2025 Dubai International Basketball Championship na magsisimula sa huling bahagi ng Enero sa Dubai, United Arab Emirates.

Masaya si Williams na nakabalik ito sa Pilipinas kung saan nakita nito ang ilan sa kaniyang malalapit na kaibigan sa PBA.

Excited na si Williams na maglaro sa Dubai meet.

Kasama sa SGA sina NBA star DeMarcus Cou­sins, NBA sniper Malachi Ri­chardson, international journeyman Terry Larrier at dating Gilas Pilipinas na­turalized player Andray Blatche.

MVP

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with