^

Police Metro

Higit 400 recipients ng OVP, DepEd confidential funds, walang birth records – PSA

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
Higit 400 recipients ng OVP, DepEd confidential funds, walang birth records – PSA
This file photo shows the Department of Education.
STAR / File

MANILA, Philippines — Wala umanong birth record ang 405 sa kabuuang 677 recipients ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na pinamunuan ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang lumabas sa datos mula  sa Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa 677 pangalan na isinumite   ni Congressman Joel Chua, chairman ng  House Committee on Good Government and Public Accountability  sa PSA kaugnay ng ginagawang pag-imbestiga sa maanomalyang paggasta sa confidential fund ng OVP at DepEd sa ilalim ng panunungkulan ni VP Duterte.

Sa naturang bilang,  200 recipients naman ng confidential funds ay pare-pareho ang pangalan sa record sa PSA.

Ang pagbusisi ng PSA sa naturang recipients ng confidential fund ng OVP at DepEd ay ginawa nang lumabas sa unang pahayag ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang isang “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin” na recipient ng OVP confidential funds ay walang birth records.

Una nang  pinabulaanan ni VP Duterte at nagsabing ang alegasyong korapsiyon at maling paggamit ng pondo ng tanggapan  ay isang uri ng political persecution.

OVP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with