^

Bansa

Chiz pinaiiwas mga senador pagkomento sa ‘impeach VP Sara’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga kasamahang senador na iwasan ang magbigay ng komento sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Escudero, ang paghahain at pag-endorso ng impeachment sa House of Representatives ay tanda ng simula ng prosesong nakasaad sa ating Saligang Batas upang matiyak ang pananagutan sa ating mga matataas na opisyal ng publiko.

Ipinunto ni Escudero na anumang bias o opinyon na magmumula sa mga senador ay makakasira sa impeachment trial dahil ang Senado ang magsisilbing impeachment court.

“Sakaling tawagin ang Senado na kumilos bilang isang impeachment court, anumang perception ng bias o pre-judgment ay makakasira hindi lamang sa integridad ng impeachment trial kundi pati na rin sa tiwala ng publiko sa Senado bilang isang institusyon,” ani Escudero.

Bagama’t madalas aniya na inilarawan ang impeachment bilang isang pampulitikang ehersisyo, pero dapat ang mga miyembro ng Senado ay walang kiniki­lingan.

SENADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with