^

True Confessions

Hiyasmin (125)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“TALAGANG desidido ka nang dito titira kahit maka-graduate ka, Hiyas­min?’’ tanong ni Dax na naniniguro.

“Opo Sir Dax—kahit magkatrabaho ako.’’

“Matutuwa ang nanay ko kapag nalaman na dito ka pa rin—love na love ka nun.”

“Oo nga Sir Dax kaya love na love ko rin si Nanay.’’

“Pagpunta nila rito e sasabihin ko ang pasya mo.’’

“Kailan ba sila pupunta rito?”

“Itatanong ko—tata­wa­­gan ko mamaya.”

“Sana magpunta na sila rito-- wala na akong pasok. Makakapag-bonding kami ni Nanay nang ayos!’’

“Hayaan mo at sasabihin ko. Matutuwa yun.’’

“Makakapagluto kami nang masarap na ulam at magpapaturo rin ako sa paggawa ng espasol.’’

“A oo, marami pang alam na ulam yun—tuturuan ka nun.’’

“Mabait si Nanay, ano Sir Dax?”

“Sa iyo lang—masu­ngit yun! Kahit sa amin ng kapatid ko, masungit at istrikto.”

“Talaga?’’

“Oo.’’

“Bakit kaya mabait sa akin si Nanay?”

“Siguro ay dahil sabik siya sa anak na babae.’’

“Baka nga, Sir Dax.’’

“At saka sabi niya, gandang-ganda raw siya sa iyo.’’

Napangiti si Hiyasmin.

“Kaya nga hindi ko talaga maiiwan ang bahay na ito, Sir Dax. Napakabait ninyo sa akin.’’

“Salamat Hiyasmin at nagustuhan mo rito.’’

“Kahit pa anong mang­yari, ito pa rin ang pipiliin kong tirahan, Sir Dax. Wala akong masasabi dahil dito ko na­dama na labis akong minahal at pinaha­lagahan.’’

Hindi makapagsalita si Dax.

Hindi niya alam ang sasabihin kay Hiyasmin.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with