^

PSN Showbiz

Julia, ‘nakaganti’ na kay Jay Sonza

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia, ‘nakaganti’ na kay Jay Sonza
Jay Sonza

IIbang-iba na ang hitsura ni Jay Sonza sa kumalat na mugshot niya sa Quezon City Jail quarantine facility sa Payatas.

Inaresto pala ito dahil sa diumano’y syndicated estafa and large-scale illegal recruitment ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nag-trending kaagad si Mr. Sonza at kinumpirma rin ni NBI Assistant Director Glenn Ricarte na na-turn over na nga sa kanilang custody ang TV personality na nabansagang ‘fake news spreader’ matapos itong pansamantalang makulong at arestuhin ng Bureau of Immigration two weeks ago.

Papunta pala raw si Mr. Sonza sa Hong Kong that time nang nakausap ng taga-Immigration. At napigilan daw umalis ng bansa nang makita ng BI ang nakabinbing kasong estafa laban dito.

Actually, parang malungkot, pero maraming natuwa sa nangyari kay Mr. Sonza.

Sabi ng ibang netizens, dasurv niya ‘yun dahil ang dami niya namang naikalat na fake news.

Isa rito ang tungkol sa anak ni former vice president Leni Robredo na nilaktawan daw ang community quarantine matapos dumating mula sa ibang bansa at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19. Ito ay nung kasagsagan pa ng pandemic.

Ipinost niya sa Facebook noon na “Sabi mo Madam, dapat walang palakasan. Bakit iyong anak mong dumating derecho sa bahay, hindi dumaan sa Quarantine Protocol?”

Maaalala ring three years ago nang ireklamo siya ni Julia Barretto sa NBI. Pinagkalat noon ni Mr. Sonza na diumano’y nabuntis ni Gerald Anderson si Julia.

“Ang dami ko na kasing pinagdaanan, ang dami ko nang pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. You know, I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” sabi ni Julia sa interview nito noon matapos niyang ireklamo ang nakakulong ngayong TV personality.

Komento ng ibang netizens, parang nakaganti na si Julia dahil sa pagkakakulong nito.

Anyway, naalala ko lang ‘yung kuwento noon na pinatanggal diumano ni Ms. Mel Tiangco ang isang painting na andun ang mukha ni Sonza.

JAIL

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with