^

Metro

K-9 dogs inilatag sa NAIA vs cash smuggling

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglagay na ang Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga K-9 unit na tutukoy sa mga pasahero na may bitbit na malalaking halaga ng  cash.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa ang pagtatalaga ng mga K-9 dogs ay  “pro-active measure” bunsod ng pagtaas ng insidente cash smuggling money.

Sinabi ni  Mapa na may mga pasahero ang nahuhuling nagpupuslit ng malaking halaga ng pera at gustong ipuslit ito nang hindi idineklara ng maayos at gustong tumakas sa pagbabayad ng buwis.

Kamakailan lamang, isang babaeng Chinese national na pasahero ang nahuli ng security sa final check na may dalang mahigit sa US$10,000 na hindi idineklara dahil ito ay ilegal..

Ang deployment ng  K-9 ay bahagi ng pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG).

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with