^

PSN Palaro

Phoenix, NLEX agawan sa krusyal na panalo

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Phoenix, NLEX agawan sa krusyal na panalo
Tabla ang Phoenix at NLEX sa 3-6 kartada para sa ika-10 at 11 na puwesto subalit sa kabila nito ay may pag-asa pa sa playoffs bagama’t hindi nila hawak ang kani-kanilang kapalaran.
PBA Image

MANILA, Philippines — Magpapangbuno ang Phoenix at NLEX sa krusyal na duwelo para sa tangkang manatili sa kontensyon ng quarterfinals sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Magtutuos ang dalawang koponang naghi­hingalo sa ibaba ng team standings sa alas-7:30 ng gabi para sa main game ng double-header tampok din ang labanang Converge (7-3) at Blackwater (2-7) sa alas-5 ng hapon.

Tabla ang Phoenix at NLEX sa 3-6 kartada para sa ika-10 at 11 na puwesto subalit sa kabila nito ay may pag-asa pa sa playoffs bagama’t hindi nila hawak ang kani-kanilang kapalaran.

Bukod sa panalo, hihi­ling ang dalawang koponan na magsipagtalo ang mga nasa unahan nila lalo na ang Magnolia (4-6) at San Miguel Beer (4-4) na nag-aagawan din sa Top 8.

Pareho ring galing sa talo ang Fuel Masters at Road Warriors kaya siguradong gigil na makabalik sa winning column papasok sa homestretch ng 13-team single-round eliminations.

Kung kinapos ang Phoenix sa Magnolia, 110-104, kamakalawa upang maputol ang two-game winning streak nito ay mas malala ang sinapit ng NLEX.

Mainit ang naging ratsada ng koponan ni coach Jong Uichico bitbit ang 3-1 start sa conference bago dumausdos sa limang sunod na pagkatalo.

Pinakabago dito ang dikit na 94-87 kabiguan sa TNT kamakalawa rin upang malag­lag nang malalim sa team standings at magdelikado ngayon ang pag-asa sa quarterfinals.

Upang maisalba ang kampanya ay iaatas ni Uichico ang responsibilidad sa Best Import race leader na si Michael Griffin-Watkins kasama sina Robert Bolick, Kevin Alas, Xyrus Torres, Javee Mocon at rookie na si Jonnel Policarpio.

Haharang naman sa kanilang daan sina Donovan Smith, Tyler Tio, Ricci Rivero, Jason Perkins, RJ Jazul at rookie Kai Ballungay.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with