^

PSN Palaro

Durham balik sa B.League

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang buwan matapos ihayag ang kanyang pagreretiro sa PBA ay nagbalik si import Allen Durham sa Japan B.League.

Maglalaro si Durham, ang three-time PBA Best Import, para sa Saga Ballooners sa kasalukuyang 2024-25 B.League season.

Bigo ang 36-anyos na si Durham na madala ang Bolts sa Finals ng nakaraang Season 48 PBA Governors’ Cup matapos sibakin ng karibal na Ginebra Gin Kings sa quarterfinals.

Bago muling isuot ang uniporme ng Meralco sa PBA ay nagmula si Durham sa B.League kung saan niya tinulungan ang Ryukyu Golden Kings sa paghahari sa torneo.

Kumampanya rin si Durham para sa Meralco sa East Asia Super League (EASL) kasunod ang kanyang pagreretiro sa PBA.

Inihatid niya ang Bolts sa tatlong PBA finals appearances kung saan siya tinalo ni Justin Brownlee at ng Gin Kings.

Umaasa ang Ballooners, ang B2 champions dalawang season na ang nakakalipas, na maisasalba ni Durham ang kanilang 9-19 record sa sophomore B1 campaign nila.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with