^

Probinsiya

Amok: Babae pinaghahataw ng dos por dos, suspek todas sa pulis

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Amok: Babae pinaghahataw ng dos por dos, suspek todas sa pulis
Dennis de Guzman, chief of police ng lungsod, ang suspek na si Jeffrey Merano, habang patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan sa Quezon Medical Center (QMC) si alyas “Irene”, 19, dahil sa mga grabeng tinamong sugat sa mukha at noo.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang lalaking amok nang mabaril ng mga aaresto sa kanyang mga pulis nang manlaban habang nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang isang babaeng pinaghahataw niya ng dos por dos kahapon ng madaling araw sa Sitio Bagong Tulad, Purok. 2, Barangay Dalahican, dito. Kinilala ni PLt. Col.

Dennis de Guzman, chief of police ng lungsod, ang suspek na si Jeffrey Merano, habang patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan sa Quezon Medical Center (QMC) si alyas “Irene”, 19, dahil sa mga grabeng tinamong sugat sa mukha at noo.

Base sa imbestigasyon, alas-4:00 ng madaling araw habang nakikipagkuwentuhan si Irene sa mga kaibigan ay nakita niya ang suspek na naglalakad na may dalang dos por dos.

Sinaway umano ni Irene ang suspek na umuwi na, subalit sa halip na umalis ay nilapitan siya saka pinaghahataw nang paulit-ulit sa mukha at ulo na naging dahilan upang malagay sa peligro ang buhay.

Mabilis na nag­responde ang mga nakatalagang pulis sa Dalahican Police Sub-station at inawat ang suspek na nag-aamok subalit sa halip na makinig ay sila ang pinagbalingan nito na paghahatawin ng dos por dos kaya napilitan nang pa­putukan ng mga pulis na kanyang ikinabulagta.

Ayon sa mga otoridad, bago ang paghataw sa babae, nanghabol pa ang suspek ng dalawang kabataan habang hawak ang dos por dos subalit sila ay nakatakbo at nakaiwas.

MEDICAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with