^

PSN Opinyon

Roxas-Cayetano

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya si Mar Roxas walang bise

Sa kanyang pagtakbo bilang Presidente?

Ibig bang sabihin mahina ang LP

At di siguradong sila’y magwawagi?

 

Kung sa pera ay makapal nasabing partido

Makinarya nito ay marami nito;

Sila’y nasa poder lahat nang anggulo

Sa dami ng pera ay walang tatalo!

 

Ano kaya ang dahilan walang kasama

Sa kanyang pagtakbo sa harap ng masa?

Ang mga inalok ay ayaw sa kanya

Si Grace Poe at Leni kapwa umayaw pa!

 

Ang mga botante ngayo’y nag-iisip

Ang dala ni Roxas ay landas na tuwid

Kung nag-isip siya ng sariling gimik

Sa kanyang pagtakbo maraming papanig!

 

Ang ‘tuwid na daan’ ay likha ni P-Noy

At dito’y maraming ayaw nang pumatol?

Salapi ng bayan kanilang kinahoy

At ngayo’y pulubi ang maraming sektor!

 

Sa sistemang ito pag-isipan niya

Mungkahi ni Speaker na kunin n’ya

Si Senator Cayetano na nagpakilalang

Pinakamahusay sa maraming iba!

 

Kung si Roxas noon naging presidente

Itong ating bansa maipagkakapuri;

Mga anomalya ay hindi darami

Na di tulad ngayong ang bansa’y marumi!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BAKIT

IBIG

ITONG

MAR ROXAS

NBSP

ROXAS

SI GRACE POE

SI SENATOR CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with