Net 25, kailangan ng isang mala-K-drama na serye
Very excited ako na makausap ulit si Caesar Vallejos, ang presidente ng Net 25. Kasi nga talagang napaka-friendly at informative ng mga taga-Net 25 kaya naman masarap siyang kausap.
Ganundin si Atty. Dimple, ang kanilang legal adviser.
Sure ako na one of these days magiging very commercial at competitive ang kanilang network. Kaya nga nila kinuha si Wilma Galvante para ma-feel ng lahat na nasa competing stage sila.
Alangan namang walang magawa si Wilma para maging isa sa top network ang Net 25 eh kilala ito sa kahusayan niya sa paggawa ng mga programa.
Hintay lang tayo ng konti pang panahon at tiyak magiging habit na ng lahat na manood sa Net 25.
Palagay ko isa lang local drama na susundan araw-araw ng viewers, bobongga na ang istasyon nila.
Sa rami ng freelancers na artista ngayon madali para sa kanila ang makagawa ng drama series na mala-Koreanovela na pulos good dramatic stories na may aral sa ending.
Basta with good people like Atty. Dimple and Papa Caesar handling the management, sure ball na magiging success ang anumang bagay na i-handle nila.
Saka ang maganda sa network nila, wholesome, wala kang maririnig na masasamang salita o mga madudugong eksena.
Sa panahong talaga ngayon, mas masarap panoorin ang pang-good vibes lang. ‘Yung hindi ka mag-iisip kung ano ba ‘yung napanood mo o malulungkot kang pagkatapos mong panoorin ang isang palabas.
Mas importante na masaya ka pagkatapos manood ng kahit anong palabas dahil ‘yun naman talaga ang intention nila ang mabigyan ng aral at saya ang manonood nila.
Bongga at babu.
- Latest