fresh no ads
ADVICE: The ‘L’ word | Philstar.com
^

Supreme

ADVICE: The ‘L’ word

Antoinette Jadaone, Chinggay Nuque - The Philippine Star

Dear Tita Witty,

 

Ako po ay 26 na taong gulang, single, at nagtatrabaho na ng dalawang taon dito sa Dubai.

Meron po akong nakarelasyon na lesbian nang mahigit four years. Naghiwalay kami noong 2012 dahil may nakilala siyang iba at sobra akong nasaktan. After a few months, merong nag-PM sa ‘kin sa FB na lesbian at nagpakilalang dating karelasyon ng bagong girlfriend ng ex ko. Sinabi niya sa akin na niloloko at pinagsabay pala silang dalawa ng girl na ‘yun, pero hindi na ako nakialam. Eventually, niligawan na niya ako at sinagot ko siya for the sake na meron akong makarelasyon. Inisip ko nun malayo naman sya so no harm. Hindi rin nagtagal ang naging relasyon namin dahil LDR nga at may iba na din syang nakilala.

Then after that, sabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iibig at makikipagrelasyon sa lesbian. Meron namang mga nagpaparamdam na boys sa ’kin pero parang hindi ko talaga feel. Meron din akong nakikilala na lesbian na nagpaparamdam pero di ko na talaga in-entertain. Kaya never pa din akong nagkaroon ulit ng karelasyon.

Ngayong nandito ako sa Dubai, may nakilala akong bisexual at naging close kami. Nagsabi na rin siya sa akin na mahal niya ako. “Special friend” ang tingin ko sa kanya.

Another friend who’s in the Philippines na lagi kong ka-chat at Skype eh nagpaparamdam din na parang may gusto na sa’kin. She’s my second year high school best friend. Ganun na kami katagal magkakilala at super close talaga kami. She’s also planning to come to Dubai.

So, dalawa po sila ngayon na nakakapagpagulo sa isip ko na parang nahihirapan po ako ngayon sa sitwasyon ko. I really want to stick to the promise I made myself na ayaw ko na ng same-sex relationship. Haaaalp po! I need your expert advice, Tita!

All the best,

Dyosang Lito

 

Dear Dyosang Lito,

Una sa lahat, hindi naman masamang maging lesbian. Maraming tao lang siguro ang hindi pa ito tanggap, at hindi nakakagulat kung hindi rin ito tanggap ng mga mahal mo sa buhay. Pero sana, bago sila, ikaw mismo ang makatanggap sa sarili mo. Because if you always find yourself attracted to girls, then maybe that really is the kind of relationship for you. And that’s okay.

Pangalawa, walang masama sa pagiging single. You can use this time to think and figure out what you really are and want. If you feel that being in a lesbian relationship goes against your values, then you don’t have to enter into a relationship just because you have the option to be in one.

Pero may masama sa pakikipagrelasyon para lang masabing may ka-relasyon. Naman, ‘teh. Alam kong libre ang pag-ibig pero hindi lahat ng libre kailangang tanggapin. Lahat ba ng libreng pa-bakuna ni Mayor, kinuha mo? Ingat din sa susunod sa pakikipagkaibigan sa mga taong nakilala mo online dahil hindi ka sigurado kung mapagkakatiwalaan sila. Sabi nga ng mga nanay natin, “Don’t talk to strangers when your mouth is full.”

xoxo,

Tita Witty

* * *

Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com. Follow @titawitty on Instagram for more ka-witty-han. Ktnxbye.

SAME-SEX RELATIONSHIP

Philstar
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with