No girlfriend since birth
Dear Tita Witty,
I am a guy in my late 20s. Sa edad kong ito, feeling ko kinalimutan na ako ni Kupido. Certified NGSB (No Girlfriend Since Birth) po ako. Never rin pong may na-attract sa akin. Matangkad naman po ako at hindi naman ako chaka?! May mga niligawan ako during my teen years at lagi akong basted. When I started working, nawalan na po ako ng gana to enter a relationship. Jusko, Tita Witty. Sana po mabigyan ninyo po ako ng advice.
Nagmamahal,
Trying Hard
Dear Trying Hard,
Medyo naguluhan ako. Sa una kasi akala ko gusto mong magka-girlfriend. Tapos sa huli sabi mo ay wala kang gana. So, gusto mo ba ng advice kung paanong magkaroon ng girlfriend o kung paanong magkaroon ng gana? Bigyan na lang kita ng pareho.
Kung gusto mong magkaroon ng girlfriend, kailangan mukha kang may gana. Paano naman siyang makikipag-date sa ’yo kung mukhang hindi ka interesado. You have to make an effort. Kapag may nagugustuhan ka, kakausapin mo. I-add mo sa Facebook para ma-stalk mo siya at aksidenteng ma-like ang photo ng pinsan ng kapitbahay niya noong 2011. Get to know her more by asking questions about herself. Ask her out for coffee or dinner. If it’s a dinner date, you should be the one to plan it. Make reservations if necessary. At susunduin mo siya. Hindi pwedeng sabihan mo lang na magkita kayo sa SM tapos siya ang tatanungin mo kung saan niya gustong kumain. Puwede mo lang gawin ‘yun kapag kayo na.
How do you know that no one’s ever been attracted to you? Sobrang baba naman yata ng tingin mo sa sarili mo. At paano mo rin nalamang hindi ka chaka? Sobrang taas naman yata ng tingin mo sa sarili mo. Cheka. Tip ko sa ’yo, dagdag pogi points ang mabango, at lalo naman ang confidence at pagiging driven; Bawas pogi points ang mahilig mag-selfie, lalo na kung may chakang background gaya ng toilet bowl.
Kung gusto mong magkaroon ng gana, uminom ka ng Appebon. Kapag hindi effective, huwag mong pilitin. It’s something that should come naturally to you. Not everybody is supposed to have a partner and that’s okay. Don’t let society dictate what you should be or should have. Don’t let other people tell you what can make you happy. Don’t let me down, don’t let me down, down, down.
XOXO,
Tita Witty
* * *
Please send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com.