fresh no ads
FEATURE: Meet Vin | Philstar.com
^

Supreme

FEATURE: Meet Vin

Stefan Punongbayan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Areality artista search, a few low-key TV projects, a feature film and an MMK episode later, and Vin is finally out to carve his name into the unforgiving walls of show business. Today, we at Supreme propose he no longer be known as a mere Abrenica sibling. His name is Vin Abrenica, stepping out of his kuya’s shadow and seizing the spotlight he has always deserved.

SUPREME: When did the business beckon?

VIN ABRENICA: Nakita ko yung Artista Academy sa TV-5. Initials ko yun, “AA.” So naisip ko, why not give it a chance? Ito naman yung gusto ko ever since — kumakanta ako sa banyo at sumasayaw kuwarto nang walang nakakakita. Pagdating sa Artista Academy, I jumped into acting classes kahit magmukha akong tanga. Nakita ko na lang na masarap palang umarte, na maging ibang tao kasi nag-eexperiment ka.

Before showbiz, you spent a few semesters studying HRM in Kalayaan College, then a few semesters studying comparative literature at UP, then, at the request of your dad, a year taking up culinary arts at Global Academy — a course you finished. What can you say about being a late-bloomer and how can we motivate others?

Para sa akin, ang paraan lang is to fight for what you really want. It took me so long to fight for what I felt was mine. Ang naisip ko, simula noong nag-16 ako, after ko mag-high school, wala namang pera sa ginagawa ko. If you really love what you do, ipaglaban mo yung passion mo at hindi yung gusto ng ibang tao para sa yo.

You get asked this a lot, but here it goes. Is it a struggle to be Aljur’s brother?

Yung first struggle na na-experience ko ay yung kino-compare ako ng relatives ko sa kanya. Yung pinakamalaki naman was when during the reality competition. Nakakabasa ako ng write-ups na hindi naman daw ako mananalo even if I did my best kasi never sa history ng Philippines daw na may nanalong magkapatid sa similar reality contests. Umiyak ako noon. Akala ko hindi ako mananalo. I still pushed myself.

I still feel it, though. Isang tingin ko lang, kahit ilang meters ang layo, kapag bumuka ang bibig ng tao at na-lip read ko yung “kapatid,” alam ko na yun. Even sa girlfriends ko noon, ipinakikilala ako sa parents nila: “Ma, this is my boyfriend. Kapatid ni Aljur.” Tapos ipagmamayabang ka sa kapitbahay: Siyota ng anak ko, kapatid ni Aljur!” Meron po akong pangalan. Ako po si Avin. Ako po si Vin. Kaya ngayon kahit papaano sa paglipat ko sa ABS-CBN, kapag nakikita ko yung pangalan ko, “Vin,” hindi nila alam yung happiness na nararamdaman ko. May pangalan na ako. Ilang taon na ako, ngayon pa lang ako nagkakapangalan!

Let’s talk about Hermano Puli.

It’s my first film and my first indie. Ako si Apolonio Dela Cruz, isang mandirigmang indio. Meron akong girlfriend na gustong magmadre. Tinanggap ko pa rin kahit masakit. Noong nasa kumbento siya, naisip na niyang magpakasal na kami pero ni-rape siya ng isang prayle habang nangungumpisal sa simbahan. Nagpakamatay siya kasi duming dumi siya sa sarili niya.

Yung karga ko for this role was inisip ko yung discrimination ng ibang bansa sa atin. Nagpunta ako dati sa Australia and experienced it firsthand. Hindi ako pinapasok kasi Pilipino ako unless ipakita ko yung wallet ko. Doon ko kay Apolonio Dela Cruz ibinuhos lahat ng galit ko.

Tell me about your acting process.

Every day, tumitingin ako sa ibang tao at pinag-aaralan ko ang kilos nila. I do research; yun talaga ang napulot ko sa acads. Nagka-character study ako. Para sa akin, at dahil din sa natutunan ko sa workshops, naniniwala ako sa karga (baggage). Hindi ako puwedeng lumabas sa scene nang hindi ako handa.

Atsaka naniniwala akong no two actors are alike. Every person is unique. Siguro if you’re faking it, magkakapareho. Kung dinadamdam mo talaga, hindi magkakapareho yun, kahit iisa pang role at eksena ang ibigay mo sa akin at sa iba pang artista.

What do you like the least about yourself as an actor?

Yung kapag nagkakaroon ako ng tinatawag nilang “school of acting.” Kapag tumagal ka sa pag-arte, nagkakaroon ka ng mannerisms. Nagiging calculated ka na. May nakakapagsabi sa akin noon at yun ang plan kong tanggalin sa sarili ko.

What’s next for you?

Everything feels so new right now. Kalilipat ko lang from my brother’s house. Kakapa-laundry ko pa nga lang kanina! Pati sa work, lahat nagbago. Ipinagdadasal ko lang gabi-gabi that I tread the right path, meet the right people, at mabuksan ang isip ko. Basta makaarte lang ako, masayang masaya na ako.

* * *

Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli is now playing in theaters nationwide. Tweet the author @Watdahel_Marcel.

Philstar
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with