Dear Tita Witty,
Itago mo na lang ako sa pangalang Queerina Sanchez. Recently, and finally, na-admit ko na rin sa sarili ko na I’m not straight. I don’t want to label myself as a lesbian because I still get attracted to guys. Also, confused pa talaga ako since I’ve never been in any relationship and it’s rude to be in one just to test kung gaano kalamig at kainit ang tubig sa dako paroon. But ever since I came out, I’ve felt so free at feeling ko kaya ko lahat! Except sa mga konting mapanghusga sa mundo.Here’s my problem. There’s this girl whom I would say I’m friends with as we’ve been classmates since elementary school. And during those days I already found her to be attractive. Pero Tita, bata pa ‘ko noon at ‘di ko pa sure if I was just admiring her because she’s pretty o sadyang bata palang lumiliko na ang kasarian ko. Tapos eto ka Tita Witty, kung maka-like siya ng post ko ng mga videos na walang kapararakan, naku, wagas! Kahit ‘di niya alam go lang like lang siya nang like sa posts ko Instagram at Facebook, may notifications na she liked the photos sa lahat ng social media platform!
Naguguluhan ako, Tita. Ang alam ko straight siya, pero timeout muna daw sya sa love life portion. Ako naman si aligaga, lahat nabibigyan ng kahulugan. And given na siguro un since newly recruited ako sa rainbow squad. So ang tanong ko, yayayain ko ba mag-coffee or tea pero ‘di tanungin kung open-minded ba siya sa networking kundi kung open-minded ba siya sa mga taong katulad ko at sa idea na ma-rekindle lang ‘yung friendship namin nung grade school. Ilang araw ko nang tinatanong sarili ko kung “Handa na ba ako?!”
Sincerely,
Queerina Sanchez
Dear Queerina,
I am very happy to hear of your newfound freedom. Hindi talaga natin maiiwasan ang panghuhusga ng ibang tao dahil kanya-kanya talaga ng kinamulatan at kinalakihang “tama” at “mali.” Kebs na sa kanila, dun tayo kay girlie.
Damang-dama ‘ko ang pagka-excite mo sa pagku-kwento tungkol sa wagas niyang pa-like sa posts mo. Napaisip ko tuloy nung bagets pa ako at wala pang social media (pero may cellphone na nun na walang antenna, Nokia 3210, excuse me, may Snakes ‘yun at pwede kang gumawa nang sarili mong ringtone), kung paano ba naming nalalaman kapag merong may type sa amin. Simple lang yata – titingnan ka, kakausapin o tatawagn, susulatan, o bibigyan ng regalo kahit walang okasyon. Mukhang mas konti ang room for haka-haka at mga “signs” nung ‘90s (1999 naman, grabe ka). Don’t get your hopes up dahil lang sa likes niya — malay mo lahat pala talagang nila-like niya, pati mga selfie ng ibang tao na hindi natin maitindihan kung bakit pino-post at sa totoo lang dapat magkaroon na ng batas tungkol dito.
As for asking her out, maybe it would be less terrifying for you if you try going out with a group first. Invite common friends, tapos pag magkakasama na kayo, paalisin mo na silang common friends. Cheka. Para lang makita mo how to go about it pag sure ka nang ready ka na. Para ma-gauge mo kung open-minded nga ba siya. It would be a way for you to get a glimpse of her personality. Now, kung habang magkakasama kayo ay nakayuko lang siya sa phone niya, ibig sabihin busy siyang nagla-like ng lahat ng posts. Kapag ganun, alam na.
xoxo,
Tita Witty
* * *
Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com or to facebook.com/wittywillsavetheworld.