^

Pang Movies

Susunod na.... Kathniel, nasalo ang bouquet at garter sa kasal ni direk Cathy!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Susunod na.... Kathniel, nasalo ang bouquet at garter sa kasal ni direk Cathy!
Kathryn Bernardo, Cathy Garcia-Molina, Louie Sampano, at Daniel Padilla

Viral and trending ang video ng kasal ni direk Cathy Garcia-Molina kung saan ay makikitang nasalo ni Kathryn Bernardo ang bridal bouquet.

Ginanap ang intimate beach wedding ni direk Cathy with cinematographer Louie Sampano last May 2 sa Zambales na dinaluhan ng ilang mga Kapamilya stars kabilang na sina Kathryn and boyfriend Daniel Padilla.

Sa videos ng kasal na lumabas sa social media, ikinakilig ng KathNiel fans na si Kathryn ang nakasalo ng bridal bouquet at ang reaksyon ni Daniel pati na ng mga tao sa paligid.

Makikita sa video na tigas na kantyawan ng mga bisita nang masalo ni Kath ang bouquet habang si DJ naman ang nakakuha ng wedding garter.

May isang sumigaw ng “DJ, nakuha! Pano ba ‘yan? DJ!”

Sumagot naman si Daniel ng “bukas na bukas din!”

Maririnig din ang sinabi ng isang bisita na “grabe! Meant to be talaga!”

Matandang kasabihan nga kasi na kung sino ang makakasalo ng bridal bouquet sa isang wedding ay siya na ang susunod na ikakasal.

Ang cute rin ng video na ibinahagi ni Janus del Prado kung saan ay makikitang isinusuot ni Daniel kay Kathryn ang wedding garter.

Hindi umabot sa tuhod ni Kathryn ang wedding garter kaya kinantiyawan si DJ ng “higher!”

Sabi ni Daniel, “masyado nang mataas, pare! Conservative ako.”

Makikitang aliw na aliw ang attendees kina Kathryn and Daniel pati na ang bride and groom.

Sobrang kilig naman ng fans at wish nila na sana nga’y ikasal na ang dalawa. Almost 11 years na rin ang relasyon nina Kath and DJ kaya naman ang lahat ay nag-aabang na kung kailan ba sila ikakasal.

Liza, nilalaglag ang showbiz?!

Pinagtatakhan ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz kung bakit daw hindi binabanggit ng aktres ang boyfriend nitong si Enrique Gil sa interviews nito.

“Sa mga naging pahayag ni Liza, she never mentioned Enrique’s name na naging sila at hanggang ngayon ay sila pa rin at ‘yung pangarap niya na mapunta sa Holywood, eh sinusuportahan ng boyfriend niya, hindi rin niya binabanggit,” ani Ogie sa latest vlog niya.

Pero baka naman daw may permiso rin ni Enrique ang bagay na ito at napag-usapan nila, eh naiintindihan naman daw niya kung ganu’n.

Nagkomento rin si Ogie sa mga naging pahayag ni Liza tungkol sa loveteam culture na pinag-uusapan na naman ngayon sa industriya.

Marami kasi ang hindi agree sa mga sinabi ni Liza sa isang panayam na loveteam lang daw ang paraan para sumikat ang isang artista sa Pilipinas.

Ani Ogie ay marami rin namang artista na sumikat nang solo at marami ring nanggaling sa loveteam na nang magsolo ay naging successful pa rin ang career.

Wish ni Ogie na sana raw next time ay iangat naman ni Liza ang showbiz industy.

“Sana nga, ganu’n no? Na minsan, marinig natin sa kanyang interview si Liza na iniaangat naman niya ‘yung Philippine showbiz. Sana nga, ano? Huwag nating kalimutan kung saan tayo nanggaling. Huwag nating kalimutan kung anong industriya ang nagbigay sa atin ng pangalan. Huwag nating kalimutan ‘yung mga taong naging tulay, naging bahagi ng ating journey,” sey ni Ogie.

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with