^

PSN Showbiz

'Boys Over Flowers' actor Kim Hyun-joong bumisita sa 'It's Showtime'

Philstar.com
'Boys Over Flowers' actor Kim Hyun-joong bumisita sa 'It's Showtime'
Philippine TV guesting ni Kim Hyun-joong
Video grab mula sa Youtube channel ng ABS-CBN It's Showtime

MANILA, Philippines — Nasa Pilipinas uli ang South Korean actor na si Kim Hyun-joong — na nakilala noon sa K-drama series na "Boys Over Flowers" —  at napili niyang bisitahin ang isa sa pinakasikat na noontime show sa bansa ngayong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Kim  kanina sa "It's Showtime" kung bakit siya nagpapabalik-balik sa Maynila.

"'Yung first time siya pumunta sa Pilipinas, grabe overwhelmed siya.. Kaya kapag may nagi-invite sa kanya from Philippines, gusto niya balik-balik rito sa Manila," wika ng kapwa Koreanong si Ryan Bang, na siyang nag-translate para kay Kim.

"Kung 'di siya madalas pumunta before sa Pilipinas, simula ngayon gusto niya balik-balik dito madalas. Pati gusto niyang gawin ang concert niya sa mga mall, gusto niya magkaroon ng chance na ma-meet 'yung Filipino fans."

Sumikat noon ang aktor, na kilala ring K-pop star sa ilalim ng grupong SS501, matapos niyang gumanap sa 2009 series na "Boys Over Flowers." 

Ito ang 2009 Korean adaptation ng Japanese manga na merong kaparehong pamagat. Matatandaang doon din ibinase ang mas tanyag na Taiwanese series na "Meteor Garden" (2001) na siya ring ipinalabas sa ABS-CBN.

Inimbitahan din ni Kim ang Kapamilya viewers na panuorin ang kanyang concert sa MetroTent sa Pasig mamayang 7 p.m.Bahagi ito ng kanyang "The End of a Dream" world tour.

Huling bumisita si Kim sa Pilipinas noong Enero 2020 para sa kanyang "Bio-Rhythm" tour. — James Relativo

vuukle comment

BOYS OVER FLOWERS

IT'S SHOWTIME

METEOR GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with