Joey de Leon, nireklamo kay Direk Paul ang pagkawala ng kanilang entry sa ‘balik saya’
NG MMFF! Sanib-puwersa ng Ten17 Productions ni Direk Paul Soriano at TinCan Productions ni Toni Gonzaga sa pelikulang My Teacher na official entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Kumbaga, nag-asawa na rin ang kanilang kumpanya na hindi rin naiiwasang magtalo hanggang sa nagkakasundo para mabuo ang isang project.
Ang maganda lang daw dito sa kanilang proyekto, meron silang itinuturing na father-figure na siyang nasusunod bandang huli.
“Si Tito Joey was like our father figure on the set, di ba, and of course we were learning from him. I think the most exciting kuwentos about shooting this film was yung lunch break, dinner break.
“Kasi, maraming kuwento si Tito Joey, di ba. The old industry, the past. So we got to learn a lot. I learned so much from Joey de Leon,” pakli ni Direk Paul Soriano sa nakaraan niyang presscon.
Ang daming isyung sinagot ni Direk Paul sa presscon sa kanya, at mahaba ang hanash niya nang tinanong kung paano tini-take nila ni Toni ang mga bashing sa kanilang mag-asawa.
Paano siya mag-reach out sa mga patuloy pa ring tumutuligsa sa kanila.
Bahagi ng mahabang pahayag ni Direk Paul; “For me, I try to live in the moment e you know. I try to live in the moment and what the future can bring.
“If we keep focusing too much on what was yesterday or years ago you know, we could lose it. We could lose this opportunity.
“So maybe I’ll extend my hand to all the people that have criticized me or my wife. You know, I choose to see the good in them.
“Kasi I know naman, they mean well, e. I mean, you have to understand that passion comes from something deep, right?
“So I respect it. It’s their opinion but maybe we can work and come together for the creative industry. Yun na lang ang sasabihin ko, ano…”
Iginagalang naman daw niya ang opinyon ng iba, pero ang pananaw ni Direk Paul sa mga namba-bash ay parang nasa isang pelikula lang. Merong bida, merong kontrabida. “That’s what makes life exciting. When you have a little bit of conflict, a little bit of drama you know.
“I’m a big fan of Steven Spielberg. Imagine that, he still has critics. We’re talking about worldwide criticism.
“So you know what Toni and I have come to realize is that’s their role in our lives you know. Sila ang antagonists.
“And we just have to embrace it you know. Our job is not to make them think like us, feel like us. That’s not what we’re here to do,” bahagi ng kanyang pahayag.
Samantala kahapon sa presscon ng My Teacher, may slight na reklamo si Joey nang binabaybay daw niya ang Quezon Boulevard papuntang Winford Hotel na pinagdausan ng presscon kahapon.
Aniya; “Sa kahabaan ng Quezon Boulevard, kinukuwento ko kay Carmi. Napadaan ako direk. Nagsusumbong din ako. May mga poster sa gitna nakalagay, ‘Balik Saya’ di ba?
“Pero wala yung tatlong pelikula. Yung kay Coco, kay Vice Ganda, at saka yung sa atin. Hindi ko nakita.
“Yung nandun sa anak ko, kay Ian Veneracion, yung Nanahimik something. Yung Deleter, Yung si Family something Matters, Yung My Father, Father. Paulit-ulit sila. Siguro tig-tatlo, tig-apat yung nakita ko.
“Pero wala yung tatlong pelikula.
“Ako ho ay nagsusumbong. Bakit direk, bakit wala tayo? E baka hindi pa nakabit.”
Nagpapasalamat si Tito Joey dahil sa unti-unti nang nakabalik sa normal.
Kaya itong nalalapit na MMFF ay inaasahang maghi-hit dahil sa magbabalikan na ang mga tao para manood, na “revenge cinema” nga ang tawag ni Direk Paul.
Masaya si Joey dahil nasa face to face presscon na tayo at nakikilala pa raw niya ang mga dating kaibigang press.
“Natutuwa ako na namumukhaan ko pa. Ibig sabihin, malinaw pa ang pag-iisip ko.
“Namumukhaan ko pa ang iba. Kayo!
“May nagbago, at siyempre, nami-miss ko rin sina Lolit, si Butch Francisco, sina Heart Evangelista.
“Nakakatuwa lang,”saad ni Joey de Leon.
- Latest