^

Bansa

3K pulis na sangkot sa katiwalian, minomonitor ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3K pulis na sangkot sa katiwalian, minomonitor ng PNP
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda, Jr., ang mga nasabing pulis ay nasasangkot sa iligal na droga, pangongotong at iba pang ilegal na aktibidad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng ­paglilinis sa hanay ng mga pulis, nagsasagawa ng intelligence gathering ang PNP sa tinatayang 3,000 tiwaling pulis upang masampahan ng kaso.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda, Jr., ang mga nasabing pulis ay nasasangkot sa iligal na droga, pangongotong at iba pang ilegal na aktibidad.

Sinabi ni Acorda na nagbigay na siya ng kautusan sa mga intelligence operative na trabahuin nang husto ang mga “scalawag” sa hanay ng PNP para masiguro na hindi na makakagawa uli ng kalokohan ang mga ito.

Nabatid kay Acorda na inatasan na niya ang lahat ng mga commander sa lahat ng antas na siguraduhin na maayos na gumagana ang kanilang  Counter Intelligence upang matukoy kung may mga pulis pa na patuloy na gumagawa ng katiwalian.

Hinimok din ng PNP Chief ang mga mamamayan na isumbong ang mga katiwaliang ginagawa ng mga pulis para matulungan ang PNP sa paglilinis ng kanilang hanay.

Dagdag pa ni Acorda, mahalaga ang kooperasyon ng publiko sa pagbabago at paglilinis ng Pambasang Kapulisan.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->