60-day suspension kay Teves tapos na

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ngayong araw ng 60 days suspension na ipinataw kay 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr., ay malalaman bukas sa pagpupulong ng Committee on Ethics and Privileges ng Kamara ang kahihinatnan ng kongresista.
Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Raul Bongalon, committee chairperson, posibleng talakayin ang ipapataw na sanction o penalty kay Teves na irerekomenda naman sa House plenary. Aniya, sa ilalim ng House rules, expulsion o pagpapatalsik sa Kamara at parusa na nakasalalay sa komite ang maaaring ipataw kay Teves.
Marso, 2023 nang umalis patungong Amerika si Teves at hindi pa bumabalik hanggang ngayon dahil umano sa banta sa kanyang buhay dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 7. Nasampahan na rin ito ng kasong murder sa DOJ.
- Latest