^

Metro

2 pa bulagta sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa na namang lalaki ang naitalang nasawi sa lungsod ng Caloocan sa patuloy pa ring nagaganap na pamamaslang dahil sa posibleng kaugnayan sa iligal na droga, kahapon ng madaling araw.

Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang pagbabarilin ng isang lalaki na lulan ng motorsiklo ang 50-anyos na si Dante Gañenas, ng Brgy. 155 Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima sa may Muling Pagkabuhay Street nang pagbabarilin ng salarin. Naisugod pa ito sa Manila Central University (MCU) ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Dakong alas-2:40 ng madaling araw naman nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa may Everlasting Street sa Brgy. 177 Camarin. Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’4”, payat, nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon, at may tattoo sa kaliwang balikat.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo habang nakabalot ng masking tape ang mukha at may nakapulupot na lubid sa leeg nito. Narekober naman ng pulisya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu malapit sa bangkay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with