^

Entertainment

‘Yesterday Once More!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Yesterday Once More!’
The Dabarkads last July 30, the 40th Birthday of Eat Bulaga!

Isang Lunes ay aming napagkatuwaan

Ni Jose na kwentuhan si Pia at Luanne

Tungkol sa dinaanan naming kahirapan

Nung bata pa kami’t aming inilarawan!

 

Sinimulan ko malungkot na kasaysayan

Na ako ay nakakakain ng kendi lang

Pag delivery truck ng yelo ay dumaan

At pinupulot ko nahuhulog na laman!

 

Kendi kong malamig ‘di na hinuhugasan!

Basta pagkapulot ay tuloy subo na lang!

Kung ‘di pa tunaw at umabot sa tahanan,

Mas may tamis sana kung maaasukalan!

 

Seryong tanggap naman nina Pia at Luanne

Ang Kwentong Kendi kong medyo may kalungkutan

At walang kapuwang-puwang agad sinundan

Ni Jose Manalo ng kanyang karanasan!

 

Sa pagkain daw madalas wala s’yang ulam!

Malamig na kanin dinadagdag asin lang!

At upang uminit lang ang kanin kung minsan,

Mainit na tubig kanyang binubuhusan!

 

At kung walang asin ay luha na raw lamang!

At dahil ubos na rin ito kadalasan,

Luha na ni Ina kanyang pinupunasan

At pinipiga sa kanin nang umalat lang!

 

Sa puntong ito ay napansin ko na lamang

Si Pia at Luanne na pala’y naglayasan!

Kwentong Luha ni Jose eh kasi ba naman

Um-over na sa sobra’t halatang lokohan!

 

Pero masarap talagang balik-balikan

Ang mga nakaraan sa mga usapan,

‘Yun bang mga bagay ng inyong kabataan

Nung wala pang modernong mga kagamitan!

 

Subalit ngayon ay wala nang kalokohan,

Wala na ang mga OA na kadramahan!

Ganyan kami kasi pag ‘di pa nakasalang!

Kung nakikinig ka ay mabibilaukan!

 

Mahusay daw na pambatak ng kaisipan

Upang ang Alzheimer’s ay medyo maiwasan!

At nakakatuwa ri’t magandang libangan,

Sa kasimplehan nun ay nagkakatawanan!

 

Nung kung ano sikat na brand ng kagamitan

Ay yaon din ba sa bagay ang katawagan!

Serbesa’y “San Miguel”, toothpaste ay “Colgate” naman!

At op kors “Frigidaire” ang mga palamigan!

 

Pero ako nun ang akin pang inabutan

Not yet refrigerator kundi ICE BOX pa lang!

‘Yun bang may sako’t palay pa ang yelong laman!

Pantipak ay itak pagkat ice pick ay kulang!

 

Meron pa nga kaming tawag ay paminggalan

Na katumbas sa ngayon ay hindi ko alam!

Maybe pantry? O taguan ng tirang ulam?

Basta may screen s’ya para langaw ‘di dapuan!

 

Well, ang toilet bowl pa namin nun ay Debutante!

DEBUT o DE BUHOS ang ibig sabihin n’yan!

May DEBAT, not battery for your information,

DE BATAK at ‘yung tangke ay nasa ulunan!

 

Nabanggit na nun na I have a yaya naman,

Sabay sa laba ako pinapaliguan!

By the way sa NO toilet paper din dumaan…

Eh ano pa gagawin eh di I HAVE TWO HANDS!

 

Wala pang TV nun kaya radyo libangan,

Peborit nun “Mga Kwento Ni Lola Basyang!”

Tenga’t ulo namin nun sa radyo dikitan!

Bale ang buong HEAD namin noon ang HEADPHONES!

 

Syempre walang cellphone kaya communication

Ano pa de DALAWANG LATA ng Carnation!

At nung nagkaron na ng totoong telephone,

Singbigat naman ng Carnation… ISANG KAHON!

 

‘Di ako mahilig uminom ng gatas nun

Pero ‘di makatanggi sa Scott’s Emulsion!

Chocolate na ang gustong-gusto ko na noon!

Kinukutsara ko Ovaltine sa garapon!

 

Laman ng medicine cabinet la’y Mercurochrome

Pero nang nagbinata’y nagamit pang pang-groom!

Mix with little water pampatisoy sa prom!

SOSOY-TI BOY at rosy cheeks pa aking japorms!

 

Pero mas nature lover yata kami noon

Dahil sungkit buhangin ng goma laruan,

At syempre pa seashells sa sungka gamit naman,

And of course sa tantsing our pamato is stone!

 

Noon there’s siesta, it means pilitang tulugan!

After tanghalian banig naman higaan!

Kahit not antok close your eyes and do not talk ‘yan!

D’yan nga tayo natututong magtulug-tulugan!

EAT BULAGA

THE DABARKADS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with