‘Palakasan’ system sa PNP, tutuldukan!
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda,Jr. na bubuwagin ng kanyang liderato ang palakasan system at ibabalik ang kredibilidad ng mga pulis.
Ayon kay Acorda, hindi niya hahayaang manaig sa ilalim ng kanyang liderato ang palakasan system hinggil sa promotion ng mga pulis.
Aniya, ang promotion ay dapat nakabase sa merits at abilities ng isang policeman.
Samantala, naniniwala si Acorda na nirerespeto at hindi kinatatakutan ang mga pulis.
Anya, sisikapin nilang pagbutihin pa ang serbisyo ng PNP sa loob ng kaniyang pitong buwang panunungkulan bago ang kanyang mandatory retirement.
Bagamat, maikli lamang ang kanyang panunungkulan, sisikapin niyang pag-isahin ang police organization, katuwang ang iba pang mga government agencies, at ang lahat ng mga Pilipino.
Dagdag ni Acorda, mahalaga ang kredibilidad ng pulis upang tuluyang bumalik ang tiwala ng publiko sa PNP.
Apela ng PNP chief, mas marami pa ring pulis ang matitino kumpara sa mga bugok.
- Latest