Marso 31, 2025
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Piliting maging mapagpasensiya kahit pikon na pikon na. Walang magandang maidudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makapagsasalita lamang nang hindi maganda at makakasakit ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Asikasuhin ang higit na mga importanteng bagay. Ang ilang bagay na maaaring makapaghintay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 22, 37 at maroon.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Ihanda ang sarili sa pakikinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ito madadala para may maitulong ka. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 32, 45 at beige.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Pakiramdam ay walang nakakaintindi sa‘yo. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan ang aalalay sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 31, 40 at emerald green.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Masaya ang buong araw dahil nakatitiyak na mahal ka pa rin niya sa kabila ng mga pagkukulang. Huwag lang aabuso. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 44 at tangerine.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Hindi maiiwasan na maiyak sa mga nangyayaring hindi maganda. Huwag mawalan ng tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at flaming red.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Ipaunawa sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya siya kundi nais mo lang itama ang kanyang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 40 at mint green.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Yayain ang kapatid na mamasyal. Mapagtatantong ang dami n’yo na palang hindi napagkukuwentuhan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at gray.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Walang kang dapat alalahanin kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at blue.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Hindi umaayon ang mga bagay-bagay na gustong mangyari. Huwag mabahala dahil maging maayos din ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at tan.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin hindi na kaya ng katawan ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Sikapin kung ano ang magawang tulong sa kaibigan. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan at makakaya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at green.
- Latest