Enero 31, 2025
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – May pagkakataon na maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Tiyaga at sipag ang susi sa tagumpay. Suriing mabuti ang alok bago pumalaot. Iwasan ang magpadalos-dalos ng pasiya. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at pearl pink.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Pakinggan ang kutob. Ang matagal nang hinahangad gawin ay matutupad na walang hadlang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at nile green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ginto ang panahon, kaya kilos kaagad. Maraming gawain pero katamaran ang iiral. Paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 32, 41 at garnet red.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung marunong magpahalaga sa trabaho may matamis na bunga mapitas. Igalang ang opinyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 22, 29 at lemon green.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Pag-aral ang gawain para lalong magpa-a-ngat ang kalagayan ng propesyon. Bagong pag-ibig ang sisibol. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 28 at cherry red.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) –Ang mabilis na pagkilos at kamalayan ang magliligtas. Malulutas ang bagay na matagal nang gumugulo sa isip. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 18, 32 at citrine yellow.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maganda ang matatanggap na balita. Matatapos ang sinimulan. Kung may katagpuan, ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mag-ingat sa pagkain na mahirap tunawin. Alagaan ang kalusu-gan para maiwasan na magkaproblema. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 15, 24 at honey yellow.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Iwasan ang masakit na biro na makakasugat ng damdamin dahil may masasaktan kahit hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at fuchsia.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakikita sa materyal na bagay, kundi sa gawa. Malaking tulong ang magdasal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 40 at violet.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang balak na magtrabaho sa ibang bansa ay isulong ngayon. Inaayunan ng pagkakataon ang magnegosyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 21, 26 at tangerine.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mag-ingat sa mandaraya o mandurugas dahil lapitin ng mga ito. Panatilihin ang kahinahunan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 23, 33 at crimson.
- Latest