^

Kutob

Enero 30, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kahit mabagal o maliit ang simula kung daragdagan ang sipag at tiyaga, malulutas ang suliraning pinansiyal. Ilagay sa mahigpit na estado ang pagbaba-dyet sa lahat ng gastusin. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit kung may makulit o mapagbiro. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 29, 36 at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Makakakita ng magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. Tatahakin ang tamang landas. Lucky numbers at color for the day ang 12, 18, 23, 33 at ruby red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Tawag ng panahon para maiwasan ang kaibigan sa turing lang at wala sa gawa. Huwag papadikta. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Bigyang pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. May mag-aalok ng trabaho. Pag-isipan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Kahit alam mong tama ka,huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Simula agad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Handang harapin ang anuman ngayong araw dahil sa taglay na kasiglahan. Masayahin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Malamang manghihiram ng pera ang isang kaibigan pero dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at old rose.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang anumang uri ng paanyaya ay tanggihan. Pag-aralan ang kasulatan bago pirmahan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 20, 26 at electric blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Alam ng kalooban at damdamin ang sari-ling limitasyon kaya iwasan ang magkunwari. Maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 10, 17 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Trabaho at hanapbuhay ang magiging pangunahing suliranin, pero malalampa-san. Lucky numbers at co-lor for the day ang 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hahanap ng paraan na maging abala kahit wala gaanong gawain. Paglilinis at pag-aayos ng paligid ang pagtutuunan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 18, 42 at yellow.

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with