Enero 29, 2025
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag magkumento upang hindi magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon pagkalipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 24, 38 at avocado green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag magtiwala sa kutob dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasang gawin dahil walang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 37, 42 at red.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Kailangan higpitan ang iyong sinturon. Dahil sa matataas na presyo ng mga bilihin pero walang increase sa iyong sahod. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 30, 38 at gray.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya. Maging handa sa mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 37 at lemon green.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Walang mangyayari sa iyong buhay kung tatamad-tamad ka. Habang buhay ka na lamang aasa ng tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 21, 34 at blue.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Laging nasa huli ang pagsisisi. Pero may aral kang mapupulot. Harapin ang bukas ng buong tatag. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 30, 43 at yellow-green.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Suriin mong mabuti ang iyong sarili. Alamin kung ano ang iyong kahinaan. Mula rito ay baguhin, palakasin at gawin itong positibo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 28, 43 at ruby red.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Marami ang umiidolo sa iyo, dahil sa iyong kabutihan. Umiwas sa tukso dahil kapahamakan ang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 11, 18, 29, 38 at orange.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi lahat ay sang-a-yon sa desisyon. Pero ang mahalaga, marami ang makikinabang sa pasya mo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 25, 34 at lemon green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 31, 40 at yellow.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang schedules at repasunin dahil may makakalimutan ka. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 29, 33 at brown.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin ngayon. Gawin ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 23, 41 at maroon.
- Latest