Enero 27, 2025
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maging pipi’t bingi sa maririnig dahil kung papatulan, may hindi magandang mangyayari. Tsismis sa paligid ay hindi maiiwasan, ngunit mailalayo ang sarili sa gulo kung hindi ka papatol. Maging mahinahon sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 36, 38 at ivory cream.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nang dahil sa pag-ibig kung kaya ka masigla at masaya. Pero dapat mag-ingat sa pagpapasiya para walang pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 28, 29, 32 at beige.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag nang hintayin kung may kailangan, sabihin dahil pakikinggan ka. Hindi lahat ng gusto ay makamit. Lucky numbers at color for the day ang 10, 16, 35, 39 at gray.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Malakas ang udyok ng mga barkada na kung magkakamali ng desisyon, tiyak pagsisisihan. Mag-isip-isip. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 37 at lemon green.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Maging masungit man ang panahon, magiging matiwasay ang trabaho at ang iyong kalagayan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 28, 39 at blue.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung may lakad o paglalakbay tungkol sa negosyo o personal, ituloy ng walang alinlangan dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 31, 34 at yellow.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang pagharap at pagganap ng buong puso sa gawain ay iwas puna ng mga kasamahan at nakakataas sa tungkulin. Gawin ito. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 28, 42 at orange.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Hindi magiging pabor ang panahon. Kung may pagkakataon magpahinga, gawin dahil ito ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 22, 33 at ruby red.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Naaayon ang panahon kaya kung anumang desisyon ang nagawa sa tahanan at maging sa trabaho, panindigan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 24, 33, 44 at maroon.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung taglay mo angpagka-agresibo sa paghahanap ng trabaho, ngayon lakarin dahil hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 38 at cream.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin at ngayon ito pipitasin. Kung gumawa ng kabutihan, maganda ang gantimpala. Lucky num-bers at color for the day ang 7, 27, 30, 41 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung ang hindi magandang gawain ang nasa isip, iwaglit dahil ang kabayaran ay higit sa daang beses na halaga. Lucky numbers at col-or for the day ang 10, 14, 39, 41 at brown.
- Latest