Enero 26, 2025
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, pero iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at aqua blue.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na mauulit. Magiging maunlad kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at lemon green.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Taglay mo ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 28 at jade green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ang munting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at brown.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Maganda ang pa-latandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Capricorn ang makikilala, magkakaroon kayo ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at red.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Maging mapamaraan sa pakikitungo ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at indigo.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Sa dapat pagdesisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 6 17, 26, 30, 42 at blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maganda ang isipan para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag sa kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Pairalin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at red.
- Latest