Enero 22, 2025
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang. Harapin ng buong tatag at panagutan ang anumang desisyon ginawa maging tama o mali. Magdahan-dahan sa anumang ginagawa o gagawin upang maiwasan ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-isipan ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kakapusan ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Unahin ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan ang tsismis. May hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo. Lucky number at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para hindi magkamali o makasakit ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May gantimpala na naghihintay sa pagbibigay ng abuloy. Magiging masuwerte kung gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay may daan na matatapos. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27 at beige.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang makipag-isa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.
- Latest