^

Kutob

Enero 15, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa sa iyo, hanapan ng paraan para makamit ang nais sa magandang paraan. Huwag manira ng kapwa dahil sa inggit para walang pasisihan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng iyong puso. Lucky numbers at color for the day  ang 9, 17, 24, 38 at brown. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi, alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema ay makuha sa isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag labis na magpokus sa isang bagay, dahil mababalewala ang iba. Iwasan ang pagmamadali. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Makakakilala ng tao na magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya rin ang magsisilbing guro para matutuhan ang maraming bagay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Bigyan pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo. 

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, parang bulkan na sasabog. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Isipin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat at maisasaayos ang mga bagay-bagay. Pag-ibayuhin ito. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Mahalaga ang pagpaplano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pagkasayang ng oportunidad. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan. Hindi man lubusan na maunawaan, kahit kaunti ay may nalalaman. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Tandaan na ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa kahinaan mo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange. 

HOROSCOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
6 days ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with