Enero 14, 2025
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasang makagawa ng bagay na makakasakit sa kalooban ng minamahal. Dahil hahantong ito sa matagal na walang kibuan. Huwag tingnan kung sino ang nagkamali, ang higit na mahalaga ay kung sino ang maykapasidad na ayusin ang problema. Kilos na! Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 36, 45 at green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mas magiging maayos ang sitwasyon kung magre-relax o mamasyal para makasagap panibagong enerhiya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 41 at white.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May darating na suliranin ngunit madali mong malulutas. Sapat ang determinasyon para malampasan ito. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 37, 42 at fuchsia.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Isang tao ang aakit ng atensiyon. Bago ma-in love, alamin muna ang pinanggalingan at pagkatao niya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 29, 41 at brown.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mauubos ang oras na walang mangyayari kung aasa ka sa iba. Kumilos kahit mag-isa. Mag-ingat lang lagi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 39 at pink.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Ang problema sa relasyon kung dedma lang ay walang solusyon. Patuloy ang paghihirap ng minamahal mo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 39 at yellow.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Mag-ingat sa mga bibitiwang salita dahil may masasaktan na damdamin. Maging tagapa-kinig kaysa tagapagsalita. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 31, 44 at blue.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Hindi dapat ipilit sa kanya kung ano ang ayaw, dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan at malamang hahantong sa away. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 35 at red.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Maging praktikal sa sasabihin kung ano sasabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa kinikimkim. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 30 at royal blue.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung magmumukmuk dahil sa problema, pinahihirapan mo ang sarili. Tanggapin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 29, 38 at peach.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May mga pagbabago kang dapat gawin. Kung ito ay magagawa, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 26, 37 at navy blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung inaakalang ikaw ang nagkamali at gustong magkipagbati, huwag mahiyang ikaw ang unang lumapit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 29, 30 at cream.
- Latest