Enero 13, 2025
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. May maliit na hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan o pinapasukan. Malamang mamagitan ka upang ayusin subalit tiyakin na hindi makasali sa kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at violet.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Maraming gawain subalit kailangan bigyan ng panahon ang pagpapahinga. Bigyan pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at jade green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maging tapat kung nais manatili ang pagtiwala ng minamahal o kapwa. Nakapaligid ang temtasyon, mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at golden brown.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Maayos ang kondisyon ng mental na kakayahan. Walang puwang na magkamali, kaya kung magdedesisyon, gawin agad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at brown.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Iwasan ang argument, huwag patulan ang makikipagtalo dahil magsisimula ng hindi pagkaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at lilac.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Huwag magpadalos-dalos sa gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkamali. Huwag maniwala sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung naging magulo ang situwasyon sa relasyon, walang masama kung putulin hangga’t maaga. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at blue.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Mag-ingat sa pagbabalita dahil baka ang balitang maganda ay maaaring maging pangit dahil sa pagbigkas. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang asal o hindi magresulta sa kapahamakan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Walang suliranin sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 35, 43 at yellow.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Tuluyan nang mawawala ang minamahal dahil sa pride at hindi maiwasang sisihin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at rainbow.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing. Mahirapan ka, pero kung pagsikapan magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at silver.
- Latest