Nobyembre 28, 2024
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kabaligtaran sa inaasahan ang mangyayari. Huwag kang umasa nang hindi madismaya. Sikapin na sa abot na makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay kaysa umasa sa pangako. Sariling sikap ka ngayon, huwag isandal sa iba ang iyong kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 38, 39 at blue.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung may mapapaunlakan ka ngayon, tiyak “very good” ka sa kanya. Pero kabaliktaran kung hindi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 23, 38 at green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiiwasan. Pero maaaring hindi gumastos ng sobra sa budget. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 24, 35 at sky blue.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama. Huwag gumawa ng milagro. Atupagin ng maayos ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 21, 25 at bright yellow.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Nakakairitang bagay ang sasalubong at kung papatulan, buong araw tataglayin ang init ng ulo. Mag-relax muna. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 35, 37 at violet.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. “Relax, dahan-dahan at gamitan ng lambing ang pagsabi ng pakay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 27, 36 at pink.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ang inaakala ay magkakatotoo. Kung inaakala magkakamali, huwag ituloy. Mababayaran ka ng nangutang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 34, 41 at indigo.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Nasa pagitan ka ng dalawang daan at malilito kung ano ang dapat gawin, dahil kailangan ka ng pamilya at iyong trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 39 at yellow.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Hanggang kailan ka aasa sa mga magulang mo, hanggang sila ba ay wala na? Magbago ka na, magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 26, 36 at red.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Wala kang makukuha sa pagsama sa mga may bisyo. Kung nais umunlad sa mga matagumpay ka dumikit. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 31, 39 at fuchsia.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Katungkulan sa pamilya, trabaho at mga gastusin ang siya mong problema. Magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 22, 23 at scarlet.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang mararanasan mo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 39, 43 at yellow.
- Latest