Nobyembre 26, 2024
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal niya sa iyo. Kusa mong makukuha ang iyong nais kung mananaig na sa kanya ang iyong karapatan. Upang manatili ang harmoniya sa relasyon, huwag magsinungaling. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hahamunin ka ng isang naiinggit na kasamahan sa trabaho. Huwag patulan. Sikapin na magpakahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuchsia.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang suwerte ay lumilipas at hindi nananatili sa isang tao lamang. Samantalahin ang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kunin mo sa biro ang pakay kung nahihiya kang magtapat. Huwag idaan sa seryosong usapan ang sadya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Love is lovelier the se-cond time around. Ito ang matatagpuan mo matapos ang matagal na paghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Tandaan ang ikapitong utos, huwag kang makikiapi. Hindi ito tamang solusyon sa pagtataksil. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at brown.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Matutong magpatawad para magkaroon ng kapayapaan ng kalooban. Dahil may lahi ka-yong pikutin, mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Sa ugali mong madaling matukso, mabigat ang kapalit. Iwasan ang mga lugar na maghahatid nito. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at indigo.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Magiging aral sa iyo ang kabiguan sa pag-ibig, na siyang nagbibigay ng malaking epekto sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 25, 36 at agate green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kunsultahin ang kalooban at puso, hindi ang pasya ng iba. Sige ka, ikaw rin ang mahihirapan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnilian.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Maghintay ka ng tamang panahon sa balak na mag-abroad. Paghandaan ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag sayangin ang magandang pagkakataon at tiwalang ibinigay sa iyo. Matutupad ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 32 at emerald green.
- Latest