^

Kutob

Agosto 25, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may hinihintay kang biyaya o pera, mapapasakamay ito ngayon. Ang palaging nakikipag-argumento sa iyo ay magbabago at magiging mabait na. Laging i-double check ang mga bitbit para matiyak na walang makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 29, 30 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Tama ang iyong hinala sa isang kaibigan. Pero wala kang karapatan na siya ay husgahan. Lumayo sa tsismoso o tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 20, 36 at green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung ano ang iyong ginawa ay siya ring gagawin sa iyo, gintong aral ‘yan. Kaya piliin na gawin ang mabuti at tama. Lucky numbers at color for the day ang 10, 11, 27, 42 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Daranasin ang hirap at paghihikahos kung makasarili. Kung magiging matulungin at maunawain, dadaloy ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 16, 30 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – “Birds of the same fea-thers always flocks together,” ‘yan ang kasabihan. Kaya maging matalino kung kanino ka sasama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 23, 40 at gray.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Magiging mahina ang pulmon. Maaaring may sipon at ubo o masakit ang ulo, uminom kaagad ng gamot. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 22, 39 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Marami kang alternatibong magagawa kaya huwag magmadali sa pagdedesisyon. Iwasan ang biro na makakasakit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Matutupad ang hinahangad lalo na kung may kinalaman sa paglilipat ng tirahan. Huwag magyabang, be humble. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 34, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Masuwerte ka sa lovelife at sa pamilya. Magkakaroon ng mahalagang partisipasyon sa kaayusan ng kapamilya. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 40, 41 at indigo.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Tiyak na magtatagumpay ka na makuhang muli ang tiwala nila sa iyo. Makinig sa kutob, huwag magsugal at maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 14, 22 at red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang biru-biruan ng mga magkakaibigan ay mauuwi sa seryosong usapin. Ipaalam sa magulang ang plano mo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 33, 40 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Daanin mo sa tawa ang dalang problema. Huwag magbabanggit ng iyong sikreto kaninuman. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 28, 34 at green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with