^

Kutob

Agosto 24, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin siya ng masinsinan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) –  Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba naman. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala, sikapin na magtiwala.  Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Iwasan na maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Manatiling mapagpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maaaring ang isa sa dalawang manliligaw ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. Tiyakin ang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag maging magastos kahit may pera dahil may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Unti-unting makikilala ka sa larangan na kinabibilangan. Sa pag-ibig, magpakatotoo ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hindi kailangan na maging magastos para matiyak na maging maganda ang impresyon ng tao. Maging natural lang. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

vuukle comment

HOROSCOPE

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with