Hulyo 24, 2024

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) –   Tama ka sa gagawing desisyon kung ang hangad ay sa kabutihan. Pero kung masama ang intensiyon, huwag ituloy dahil sarili ang mapapahamak. Lahat ng positibong iniisip ay magbubunga ng maganda. Lucky numbers at color for the day ang 12, 27, 30, 42 at blue. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maganda ang mga plano pero dapat ipagpaliban ngayon, dahil lamang ang kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 29, 35, 37 at sky blue. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Malaking tulong ang magagawa ng iyong payo dahil maliliwanagan ang kausap. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 39 at indigo. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magdadalawang isip ka sa gagawin. Huwag basta sugod nang sugod kung hindi tiyak ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 40 at orange. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag ituloy ang balak kung hindi buo ang loob. May magagawa na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 1, 2, 33, 40 at red. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Normal na may suliranin. Pero kung naguguluhan, hingin ang payo ng taong may karunungan. Magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 21, 26, 39, 41 at brown.  

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Matamis ang tagumpay kung pinagsikapan. Sariling sikap ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 33, 40 at bold yellow. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Kung ano ang makikita at maririnig, suriing mabuti para maliwanagan ng husto. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 34, 39 at jade green. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Magkakaiba ng kakayahan ang bawat tao. Kaya huwag maging mayabang. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 41, 44 at neon green. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung sagana ka nga-yon, mag-save dahil may pagkakagastusan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 39, 40, 42 at aqua blue. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Nasa tamang landas ka ng kaunlaran, kung itutuloy ang iyong mga balak. Ingat lagi. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 32, 33 at red. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Wala kang dapat alalahanin dahil halos lahat ay tatakbong matiwasay. Magpaahinga ka. Lucky numbers at color for the day ang 22, 25, 33, 39 at green. 

Show comments