Mayo 20, 2024
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung kailangan iwasan na magbigay ng kumento, gawin para walang makasagupa o hindi mapaaway. May higit na dapat pag-ukulan ng panahon para guminhawa ang buhay, dito ka magpokus. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 29, 31 at royal blue.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Nasa kamay ang sa-riling kapalaran kung seguridad sa trabaho ang pag-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 37, 3 at cream.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging katamtaman ang pasok ng pera. Limitahan ang pamamasyal para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 28, 35 at peach.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag mag-init ang ulo dahil puputaktihin ka ng trabaho. Maipapakita ang kahusayan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mapaglalabanan ng sarili ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Magtipid. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 29, 39 at jade green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Pag-isipang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 32, 42 at ocean blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magiging maswerte sa negosyo. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magpakahinahon. Timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 26, 41 at pink.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan ay magbubunga ng tensiyon. Pumagitna ka. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at white.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa problema, huwag tanggihan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 33, 41at strawberry red.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Posibleng malagay sa panganib ang mga ari-arian kaya ang mag-ingat ay gawin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 17, 25 at blue gray.
- Latest