^

Kutob

Pebrero 10, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ibahagi ang iyong opinyon at saloobin. Hindi ikinakahiya kung sino ka at ano ang kaya mong gawin. Walang mapapala kung hiya ang iiral sa’yo. May kaya ka, na hindi kaya ng iba na dapat maibahagi sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 34, 42 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang hindi napagtuunan ng pansin noon ay magiging prayoridad mo ngayon. May mga gawain kang dapat tapusin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 34, 41 at green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Busilak sa halimuyak at ganda ang iyong araw. Walang magiging hadlang sa anumang binabalak at gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 39, 43 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Dahil magulo ang iyong isipan at sa pakiwari nasa nag-krus na daan ka, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Huwag mahiya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 14, 41 at violet.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Sa halip na magsisi, magpasalamat na hindi matutuloy ang plano o binabalak dahil magreresulta ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 19, 41 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung naging magulo ang isip, ang magandang gawin ay umupo muna at magplano kung ano ang unang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 17, 29 at white.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Buong tatag mong mahaharap ang gawain. Subalit ang masusing pag-aral ay huwag kalimutan para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Madali kang mahulog sa usapang pag-ibig. Mabilis ka ring makakatayo kapag nadapa sa gitna ng nabigong relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 31, 36 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Masayahin ka na makihalobilo sa labas. Iwasan ito nang mapalayo sa hindi magandang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 36, 39 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag maniwala sa hinala dahil magkakamali ka. Paniwalaan ang makikitang ebidensya dahil ito ang katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 33, 39 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – May makabuluhang bagay na mangyayari sa iyo ngayon. Malamang sa iyong bagong anyo na makakakuha ng a-tensyon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 32, 38 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Matinong pag-iisip at praktikalidad ang dapat pairalin. May makakasagupa kang makulit. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 28, 37 at blue.

BUSILAK

SALOOBIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with