Mayo 4, 2017
Pagtitibay: Hindi ako panghihinaan ng loob, magpapakatatag ako. Dahil ay seguridad sa pag-ibig ng Manlilikha ko.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ilagay sa normal at huwag mag-overacting sa gawain, pagkilos at pananalita. Huwag patulan ang taong galit nang maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 38, 41 at Old rose.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Madali ka ngayon makakahanap ng magandang paraan para malusutan ang anumang balakid. Ituloy ang anumang gustong gawin at tiyak may magandang kalalabasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 34, 36 at Citrus yellow.
CANCER (Hunyo 2- Hulyo 22) – Ang pakikihalubilo sa sosyalan ay maglalantad nang pagkakataong makakilala ng taong makakatulong sa iyo. Iwasan lang ang magyabang dahil mawawala ang tiwala ng kapwa kung ito ay matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 27, 31 at Fuschia.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-ingat dahil may mga kasamahang interesado sa iyong posisyon o puwesto. Baguhin ang plano upang matiyak ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 26, 41 at Pink.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Turuan ng tama o magalit dahil sa ginagawa nang iba, lahat naman tayo ay nagkakamali. Ibaling sa iba ang pansin kung may nakikitang mali sa kasama ng maiwasan ang magkumento. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 22, 41 at Red.
LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Maginhawang maitatawid ang mga gawain dahil sa tulong ng mga kasamahan. Walang magiging suliranin, maliban sa pagpapaluwal ng konting naipon sa kaanak o kaibigan na nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 25, 32 at Brown.
SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag pansinin ang mga tututol sa binabalak, dahil ang iba sa kanila ay naiinggit. Ang mga plano sa kaunlaran ay dapat ikilos at simulan ngayon. Anumang suliranin ay madaling malulutas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 20, 26 at Sky blue.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag gaanong maging matabil at baka pagmulan ng hindi pagkakaunawaan at hahantong sa gulo. May surpresang matatanggap Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 25, 37 at Cobalt blue.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Patawarin ang nagkasala at humingi ng tawad kung inaakalang may kasalanang nagawa. Ngayon ang tamang panahon para makalimot kung may naiwang hinanakit sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 32, 35 at Green.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Walang magiging balakid sa anumang gustong gawin. Iwasan ang magpautang dahil matagal bago mabayaran o tuluyang hindi mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 13, 40 at Avocado green.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May hatid na surpresa ang araw at walang katiyakan ang mangyayari. Mag-ingat sa paglabas ng tahanan dahil magiging malapit sa gulo, away o aksidente. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 19, 38 at Beige.
ARIES ( Marso 21- Abril 19) – Ang sobrang tuwa o kalungkutan ay magbibigay ng sakit, kaya matutong magkontrol sa sarili. May panauhin maaaring dumating. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 35, 40 at Neon green.
- Latest